A theme of the age, at least in the developed world, is that people crave silence and can find none. The roar of traffic, the ceaseless beep of phones, digital announcements in buses and trains, TV sets blaring even in empty offices, are an endless battery and distraction. The human race is exhausting itself with noise and longs for its opposite—whether in the wilds, on the wide ocean or in some retreat dedicated to stillness and concentration. Alain Corbin, a history professor, writes from his refuge in the Sorbonne, and Erling Kagge, a Norwegian explorer, from his memories of the wastes of Antarctica, where both have tried to escape.
And yet, as Mr Corbin points out in "A History of Silence", there is probably no more noise than there used to be. Before pneumatic tyres, city streets were full of the deafening clang of metal-rimmed wheels and horseshoes on stone. Before voluntary isolation on mobile phones, buses and trains rang with conversation. Newspaper-sellers did not leave their wares in a mute pile, but advertised them at top volume, as did vendors of cherries, violets and fresh mackerel. The theatre and the opera were a chaos of huzzahs and barracking. Even in the countryside, peasants sang as they drudged. They don’t sing now.
What has changed is not so much the level of noise, which previous centuries also complained about, but the level of distraction, which occupies the space that silence might invade. There looms another paradox, because when it does invade—in the depths of a pine forest, in the naked desert, in a suddenly vacated room—it often proves unnerving rather than welcome. Dread creeps in; the ear instinctively fastens on anything, whether fire-hiss or bird call or susurrus of leaves, that will save it from this unknown emptiness. People want silence, but not that much. | Ang isang paksa sa panahong ito, lalo na sa mga bansang mauunlad, ay ang mga tao ay nananabik ng labis sa katahimikan at wala silang mahanap nito. Ang dagundong ng trapiko, ang walang humpay na pugak ng mga telepono, mga digital na anunsyo sa mga bus at tren, mga telebisyon na maingay kahit sa mga tanggapan na walang tao, ay isang walang katapusang paggambala. Pinapagod ng sangkatauhan ang sarili sa ingay at umaasam sa kabaligtaran nito-maging ito man ay sa mga gubat, sa malawak na karagatan o sa ilang tagong lugar na para sa katahimikan at konsentrasyon. Si Alain Corbin, isang propesor sa kasaysayan, ay nagsulat mula sa kanyang kanlungan sa Sorbonne, at si Erling Kagge, isang Norwegian na manggagalugad, mula sa kanyang mga alaala sa Antarctica, kung saan sila parehong sumubok na takasan ang ingay. Gayunpaman, gaya ng binanggit ni Mr Corbin sa "A History of Silence", malamang na wala ng ingay ngayon kaysa tulad ng dati. Bago ang mga gulong na niyumatik, ang mga lansangan ng lunsod ay puno ng nakabibinging kalantong ng mga gulong na metal ang mga gilid at mga pagtapak sa batuhan ng bakal na sapatos ng kabayo. Bago maging mundo ng mga tao ang mga mobile phone, ang mga tao ay maiingay na nag-uusap sa bus at tren. Ang mga nagbebenta ng mga pahayagan ay maiingay na sumisigaw ng malakas sa pagbebenta ng mga dyaryo, tulad ng mga nagtitinda sa kalsada ng cherries, violets at sariwang mackerel. Ang teatro at ang opera ay puno ng masasayang hiyawan at malalakas na sigaw ng panunuya. Kahit na sa kanayunan, kumakanta ang mga magsasaka habang sila ay nagtatrabaho ng mabigat. Hindi sila kumanta ngayon. Ang nagbago ay hindi gaanong ang lakas ng ingay, na inirereklamo rin noong mga nakaraang siglo, ngunit ang lebel ng paglihis ng atensyon, na sumasakop sa maaaring sakupin ng katahimikan. Mayroon namang isa pang kabalintunaan, sapagkat kapag ito ay sumasalakay-sa kailaliman ng isang puno ng pino, sa hubad na disyerto, sa isang biglang nabakanteng kuwarto-madalas na nagpapatunay na ito ay nakakabalisa sa halip na malugod na pagtanggap. Ang pangamba ay nararamdaman; tinatanggap ng tainga ay mga unang narinig nito, maging ito ay sutsot ng apoy, o tawag ng ibon o kaluskos ng mga dahon, na magliligtas dito mula sa nakakatakot na katahimikan. Gusto ng mga tao ang katahimikan, ngunit hindi ang ganoong katahimikan. |