Competition in this pair is now closed, and the winning entry has been announced. Discussion and feedback about the competition in this language pair may now be provided by visiting the "Discussion & feedback" page for this pair. Entries may also be individually discussed by clicking the "Discuss" link next to any listed entry. Source text in English A theme of the age, at least in the developed world, is that people crave silence and can find none. The roar of traffic, the ceaseless beep of phones, digital announcements in buses and trains, TV sets blaring even in empty offices, are an endless battery and distraction. The human race is exhausting itself with noise and longs for its opposite—whether in the wilds, on the wide ocean or in some retreat dedicated to stillness and concentration. Alain Corbin, a history professor, writes from his refuge in the Sorbonne, and Erling Kagge, a Norwegian explorer, from his memories of the wastes of Antarctica, where both have tried to escape.
And yet, as Mr Corbin points out in "A History of Silence", there is probably no more noise than there used to be. Before pneumatic tyres, city streets were full of the deafening clang of metal-rimmed wheels and horseshoes on stone. Before voluntary isolation on mobile phones, buses and trains rang with conversation. Newspaper-sellers did not leave their wares in a mute pile, but advertised them at top volume, as did vendors of cherries, violets and fresh mackerel. The theatre and the opera were a chaos of huzzahs and barracking. Even in the countryside, peasants sang as they drudged. They don’t sing now.
What has changed is not so much the level of noise, which previous centuries also complained about, but the level of distraction, which occupies the space that silence might invade. There looms another paradox, because when it does invade—in the depths of a pine forest, in the naked desert, in a suddenly vacated room—it often proves unnerving rather than welcome. Dread creeps in; the ear instinctively fastens on anything, whether fire-hiss or bird call or susurrus of leaves, that will save it from this unknown emptiness. People want silence, but not that much. | The winning entry has been announced in this pair.There were 5 entries submitted in this pair during the submission phase. The winning entry was determined based on finals round voting by peers.
Competition in this pair is now closed. | Sa panahon ngayon, ang mga tao lalo na sa mga mauunlad na bansa ay nag-aasam ng katahimikan ngunit hindi ito masumpungan. Ang ingay ng trapiko, ang walang katapusang pagtunog ng mga telepono, ang mga anunsyong digital sa mga bus at tren, ang mga telebisyong tuloy ang pag-iingay kahit sa mga walang taong opisina ay mga tuluyang pambubugbog at kaguluhan. Pinapagod ng sangkatauhan ang sarili nito sa mga ingay habang naghahanap ng katahimikan―mapasa kagubatan, sa malawak na karagatan o saanmang lugar na nakalaan sa kapanatagan at konsentrasyon. Ang propesor ng kasaysayan na si Alain Corbin na sumulat mula sa kanyang kublihan sa Sorbonne at ang Norwegang mananaliksik na si Erling Kagge na sumulat mula sa kanyang mga alaala ng mga kaparangan ng Antarctica ay parehong nagtangkang tumakas papunta sa kani-kanilang mga tinubuan. Gayun pa man, tulad ng tiniyak ni G. Corbin sa “A History of Silence,” marahil ay wala nang mas maraming ingay tulad ng mayroon ngayon. Bago ang mga gomang gulong, ang mga kalsada sa siyudad ay punô ng nakabibinging tunog ng mga gulong na bakal at mga bakal ng kabayo sa mga kalsadang bato. Bago ang kusang pagsasarili sa kani-kaniyang mga selfon, ang mga bus at tren ay punô ng mga pag-uusap. Ang mga nagtitinda ng dyaryo ay hindi iniiwan ang kanilang mga paninda bilang mga piping tambak ng papel, sa halip ay buong lakas na isinisigaw ang paglalako ng mga iyon tulad ng ginagawa ng mga tindero ng mga prutas, bulaklak, at isda. Ang teatro at ang opera ay magugulong hiyawan at kutsaan. Maging sa mga probinsya, ang mga probinsyano ay umaawit sa kanilang pagkayod. Hindi na sila umaawit ngayon. Ang nagbago ay hindi ang lakas ng ingay na siyang inireklamo rin ng mga nakaraang siglo, kundi ang antas ng kaguluhan na nasa lugar na maaari sanang pasukin ng katahimikan. At diyan sumisilip ang isa pang kabalintunaan dahil kapag ito ang pumasok―sa kalaliman ng gubat, sa hubad na disyerto, sa biglang nilisang silid―ito ay kadalasang nagpapatunay na nakababahala sa halip na katanggap-tanggap. Ang lagim ay unti-unting gumagapang; ang pandinig ay sadyang kakabit sa kahit ano, mapasa pagtupok ng apoy o huni ng ibon o maging sa kaluskos ng mga dahon, na magliligtas dito mula sa di kilalang kawalang ito. Gusto ng mga tao ng katahimikan ngunit hindi naman gaano. | Entry #23864 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Winner Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
40 | 9 x4 | 2 x2 | 0 |
- 2 users entered 4 "dislike" tags
sa mga mauunlad na bansa | Spelling Redundant. It should be "lalo na sa mauunlad na bansa | Mavel Besana No agrees/disagrees | |
walang taong | Punctuation There should be a hyphen because this is a compound adjective placed before a noun. | C A L M No agrees/disagrees | |
Gusto | Other Hangad is the more appropriate | Mavel Besana No agrees/disagrees | |
| Ang isang paksa sa panahong ito, lalo na sa mga bansang mauunlad, ay ang mga tao ay nananabik ng labis sa katahimikan at wala silang mahanap nito. Ang dagundong ng trapiko, ang walang humpay na pugak ng mga telepono, mga digital na anunsyo sa mga bus at tren, mga telebisyon na maingay kahit sa mga tanggapan na walang tao, ay isang walang katapusang paggambala. Pinapagod ng sangkatauhan ang sarili sa ingay at umaasam sa kabaligtaran nito-maging ito man ay sa mga gubat, sa malawak na karagatan o sa ilang tagong lugar na para sa katahimikan at konsentrasyon. Si Alain Corbin, isang propesor sa kasaysayan, ay nagsulat mula sa kanyang kanlungan sa Sorbonne, at si Erling Kagge, isang Norwegian na manggagalugad, mula sa kanyang mga alaala sa Antarctica, kung saan sila parehong sumubok na takasan ang ingay. Gayunpaman, gaya ng binanggit ni Mr Corbin sa "A History of Silence", malamang na wala ng ingay ngayon kaysa tulad ng dati. Bago ang mga gulong na niyumatik, ang mga lansangan ng lunsod ay puno ng nakabibinging kalantong ng mga gulong na metal ang mga gilid at mga pagtapak sa batuhan ng bakal na sapatos ng kabayo. Bago maging mundo ng mga tao ang mga mobile phone, ang mga tao ay maiingay na nag-uusap sa bus at tren. Ang mga nagbebenta ng mga pahayagan ay maiingay na sumisigaw ng malakas sa pagbebenta ng mga dyaryo, tulad ng mga nagtitinda sa kalsada ng cherries, violets at sariwang mackerel. Ang teatro at ang opera ay puno ng masasayang hiyawan at malalakas na sigaw ng panunuya. Kahit na sa kanayunan, kumakanta ang mga magsasaka habang sila ay nagtatrabaho ng mabigat. Hindi sila kumanta ngayon. Ang nagbago ay hindi gaanong ang lakas ng ingay, na inirereklamo rin noong mga nakaraang siglo, ngunit ang lebel ng paglihis ng atensyon, na sumasakop sa maaaring sakupin ng katahimikan. Mayroon namang isa pang kabalintunaan, sapagkat kapag ito ay sumasalakay-sa kailaliman ng isang puno ng pino, sa hubad na disyerto, sa isang biglang nabakanteng kuwarto-madalas na nagpapatunay na ito ay nakakabalisa sa halip na malugod na pagtanggap. Ang pangamba ay nararamdaman; tinatanggap ng tainga ay mga unang narinig nito, maging ito ay sutsot ng apoy, o tawag ng ibon o kaluskos ng mga dahon, na magliligtas dito mula sa nakakatakot na katahimikan. Gusto ng mga tao ang katahimikan, ngunit hindi ang ganoong katahimikan. | Entry #24049 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
15 | 1 x4 | 3 x2 | 5 x1 |
- 1 user entered 1 "like" tag
Gusto ng mga tao ang katahimikan, ngunit hindi ang ganoong katahimikan. | Other The original text proves to be difficult to translate but by using the previous sentence as a point of comparison, this translation seems to work well. It says "not that kind of silence," pertaining to the described scenario in the preceding sentence. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
- 1 user entered 15 "dislike" tags
- 1 user agreed with "dislikes" (1 total agree)
ng | Spelling This is followed by an adverb (pang-abay), hence, it should have been "nang." | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
mga alaala sa Antarctica, | Omission "Wastes" from the original text is omitted. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
Ang mga nagbebenta ng mga pahayagan | Omission The original text's "Newspaper-sellers did not leave their wares in a mute pile" is omitted. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
ng | Spelling Should be "nang" because it is followed by an adverb. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
Hindi sila kumanta ngayon. | Syntax Should be "Hindi NA sila kumakanta ngayon" to point out that they do not sing anymore. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
gaanong | Syntax The sentence does not flow well because of this word. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
lebel | Other Why not use "antas," the Filipino word for "level"? | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
isang puno ng pino | Mistranslations "A pine forest" is a forest of pine trees and not just one single pine tree as this translation says. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
nakakabalisa | Grammar errors Should be "nakababalisa" with the rule of adding affix "naka-" then repeat the first syllable of the root word "balisa" the term is "nakababalisa." | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
pagtanggap | Syntax The adjective form should be used instead of this noun so that it flows well. See "nakakabalisa" that is used, there should be parallelism. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
tinatanggap | Mistranslations "Tinatanggap" (is accepting) is different from "fastens," which, in the context, means clings/embrace/glue/attach, etc. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
ay | Syntax Should be "ang." The subject is "tainga" with a transitive verb "tinatanggap" and object "ang mga unang narinig nito." | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
narinig | Spelling Should be "marinig" to make the sentence a general truth by using simple present tense instead of this past tense. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
| Ang napapanahong tema lalo na sa maunlad na mundo ay ang pagkasabik ng mga tao sa katahimikan subalit hindi nila ito masumpungan. Ang ingay ng trapik, ang walang tigil na tunog ng mga telepono, mga digital na panawagan sa mga bus at tren, nakabibinging tunog ng telebisyon maski sa walang lamang mga opisina ay waring walang katapusang pambubugbog at pang gagambala. Ang sangkatauhan ay pinapagod ang sarili sa ingay subalit hinahanap-hanap naman nito ang kabaliktaran – maging ito ay sa kagubatan, sa gitna ng karagatan o sa ilang bakasyunang nakalaan sa katahimikan at pagmumuni-muni. Si Alain Corbin, isang propesor sa kasaysayan, ay nagsulat ukol sa kanyang kanlungan sa Sorbonne at si Erling Kagge, isang Norwegian explorer na nagsulat naman mula sa kanyang alaala ng mga basura ng Antartika kung saan pareho nila itong tinangkang takasan. Subalit batay sa nais ipabatid ni Ginoong Corbin sa “Ang Kasaysayan ng Katahimikan”, maaaring wala ng ingay katulad ng dati. Bago pa man mauso ang de hanging mga gulong, ang mga kalsada sa siyudad ay puno ng mga nakabibinging tunog ng de bakal na gulong at mga yapak ng kabayong tumatama sa bato. Bago pa man ang pagiging mapag -isa ng dahil sa mga mobile phones, ang mga bus at tren ay puno ng kwentuhan. Ang mga nagtitinda ng dyaryo ay hindi hinahayaang manahimik na lamang ang kanilang mga papel at tinatadtad nila ito ng mga patalastas ganun din ang mga maglalako ng seresas, ube at sariwang mackerel. Ang teatro at opera ay puno ng hiyawan at kampihan. Maging sa sa kanayunan ang mga magsasaka ay umaawit habang gumagawa. Hindi na sila kumakanta ngayon. Hindi ang antas ng ingay ang gaanong nabago na syang idinadaing ng mga nagdaang siglo kung hindi ang antas ng kaguluhan na syang umookupa sa lugar na maaaring sakupin ng katahimikan. At dito’y may nagbabadyang kabalintunaan sapagkat sakaling ito ay sumalakay – sa pusod ng kagubatan, sa nakatiwangwang na disyerto, sa biglang nilisang kwarto – kadalasa’y ito’y kagimbal gimbal sa halip na maging katanggap tanggap. Ang sindak ay unti unting gumagapang; ang tenga ay kusang aanib sa kung anumang bagay maging ito ay sutsot ng apoy, huni ng ibon o bulong ng mga dahon na syang magliligtas dito sa hindi mawaring kahungkagan. Hangad ng mga tao ang katahimikan subalit hindi ito lubos. | Entry #23981 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
11 | 0 | 4 x2 | 3 x1 |
- 1 user entered 1 "like" tag
Hangad ng mga tao ang katahimikan | Good term selection "Hangad" is a perfect term to match the whole phrase. "Gusto" is correct as well as used by other entries, but "Hangad" is more appropriate. | Preliza Ruiz No agrees/disagrees | |
- 3 users entered 10 "dislike" tags
- 3 users agreed with "dislikes" (6 total agrees)
| Other "Walang laman" is a direct translation of "empty." Given the context that televisions are blaring even in empty offices, it is best to specify that there is no one, no person around. "Walang lamang opisina" gives the picture of empty offices except for television sets; i.e. no other object. | Ewygene Templonuevo | |
Ang sangkatauhan ay pinapagod ang sarili | Grammar errors To test, <pinapagod ANG sangkatauhan ang sarili>? This should be , so the constructio is wrong. Could have used a more appropriate verb structure. | C A L M No agrees/disagrees | |
Ang Kasaysayan ng Katahimikan | Other Unless there is an official translated work, I think we should retain the original title and only offer in parenthesis or footnote our own translation of the title. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
tinatadtad nila ito ng mga patalastas | Mistranslations The original says "but advertised them (the newspapers)" but this translation says that the newspapers are bombarded with advertisements. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
+1 seresas, ube at sariwang mackerel | Mistranslations "Violets" in the original text pertains to the plant and/or flowers. The translated word used (ube) is the rootcrop yum. | Ewygene Templonuevo | |
sa sa | Grammar errors This is a repetition of the word. As translators, we also have to proofread our work before submission to make sure it is impeccable. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
gumagawa | Omission"Drudged" in the original text gives the idea of dull and heavy work. To simply use "gumagawa" (working) omits the heaviness and dullness of the work. Please see WordReference meaning of "drudge" and how it is different from the general term "work."Link: http://www.wordreference.com/definition/drudge | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
+1 1 kumakanta | Inconsistencies The previous sentence used a different verb for "sing." | Ewygene Templonuevo | |
syang | Spelling Should be "siyang" | Irin200 No agrees/disagrees | |
| And tema ng panahon, sa mga maunlad na bansa, na ang mga tao ay naghahanap ng katahimikan nguni't walang masumpungan. Ang ingay ng trapiko, ang walang humpay na tunog ng mga telepono, ang mga digital na anunsyo sa mga bus at mga tren, mga bukas na telebisyon sa mga opisinang walang tao, ay walang katapusang baterya at kaguluhan. Ang sangkatauhan ay napapagod sa ingay at naghahanap ng kakaiba - kahit sa kagubatan, sa malawak na karagatan, o sa mga pagpupulong upang makaranas ng katahimikan at konsentrasyon. Si Alain Corbin, isang dalubhasa sa Kasaysayan, ay nagsulat kung paano siya naligtas sa Sorbonne, at si Erling Kagge, isang manggagalugad na Norwegian sa kanyang alaala ng pagkawasak ng Antarctica, kung saan silang dalawa ay nagtangkang tumakas. Gayunman, sinabi ni Ginoong Corbin sa "A History of Silence", na maaaring wala ng ingay na maihahantulad sa nagdaan. Bago magkaroon ng niyumatik na gulong, ang syudad ay puno ng nakakabinging kalansing ng mga bakal na rim ng mga gulong, at bakal na sapatos ng kabayo sa semento. Bago nagdesisyong magsarili ng dahil sa mga mobile phones, ang mga bus at mga tren ay puno ng nakakabinging pag-uusap. Hindi iniiwan ng mga nagtitinda ng dyaryo ang kanilang paninda kundi siya ay sumisigaw upang makabenta, katulad ng mga tindero ng seresa, bulaklak na kulay-lila, at bagong huling alumahan. Ang teatro at opera ay puno ng malalakas na hiyawan at agawan ng upuan. Maging sa bukid, ang mga tauhan ay umaawit habang nagtratrabaho, Ngayon, wala ng awit na madidinig. Ang nagbago ay hindi ang antas ng ingay, na nirereklamo ng mga nagdaang siglo, kundi ang antas ng kaguluhan, na siyang pumupuno sa katahimikang dapat ay nararamdaman. Meron pang paradoks na namumuo, dahil kung ito ay magaganap-sa gitna ng mga puno ng pino, sa hubad na disyerto, sa nabakanteng silid,-ito ay magpapatunay ng pagkabahala kaysa sa masayang pagtanggap. Ang pangamba ay unti-unting bumabalot; ang tenga ay napinid, maging sa tunog ng apoy o huni ng ibon o pagaspas ng dahon, na magliligtas sa nakabibinging katahimikan. Nais ng mga tao ng katahimikan, nguni"t hindi labis. | Entry #23987 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
3 | 0 | 1 x2 | 1 x1 |
- 1 user entered 1 "like" tag
A History of Silence | Good term selection Good decision to retain the title of the work in its original language. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
- 1 user entered 19 "dislike" tags
- 1 user agreed with "dislikes" (1 total agree)
tema ng panahon, sa mga maunlad na bansa, na ang mga tao ay naghahanap ng katahimikan nguni't walang masumpungan | Syntax This is just a phrase and not a sentence. The subject is "tema ng panahon," followed by the subordinate clause "na ang mga tao...masumpungan" without a verb. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
napapagod | Omission The original specifies that the human race does it to itself whereas this translation does not say who tires/exhaust it. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
+1 1 kakaiba | Mistranslations The original specifies the opposite but this translation simply states something different or unique. | Ewygene Templonuevo | |
mga pagpupulong upang makaranas ng katahimikan at konsentrasyon | Mistranslations "Pagpupulong" is a meeting, not a retreat. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
naligtas sa Sorbonne | Mistranslations This translation says that Corbin was saved in Sorbonne. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
pagkawasak ng Antarctica, | Mistranslations This translation says that Antarctica was ruined/destroyed. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
bakal na rim ng mga gulong | Other This could be simplified into "bakal na gulong." However, this is a literal translation. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
semento | Mistranslations The original text says "on stone" not on cement, as this translation says. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
siya | Inconsistencies Throughout the sentence, vendors are referred as plural but this word is for singular. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
seresa, bulaklak na kulay-lila, at bagong huling alumahan | Other Literal translations of words. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
Ngayon, wala ng awit na madidinig | Inconsistencies This translation says that no song could be heard anymore. It would have worked had the previous sentence been translated to mean songs could be heard from peasants as they drudged. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
napinid | Mistranslations "Napinid" means closed whereas the original text says that the ears would be open and cling to any sound. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
" | Punctuation This should have been an apostrophe, or none at all, but definitely not a double quotation mark. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
labis | Mistranslations "Labis" is too much but the original text says "that much," meaning enough for people to embrace silence. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
| May isang tema ng kasalukuyan , hindi bababa sa binuong mundo. Ang mga tao ay naghahangad ng katahimikan, at hindi makahanap nilang ito. Ang dagundong ng trapiko, ang walang humpay na pugak ng mga telepono, ang mga digital na anunsyo sa mga bus at tren, ang mga TV set na gumagawa ng ingay, kahit na sa mga walang laman na tanggapan at ang walang katapusang baterya magkaroon ang lahat ng nakakaaliw na epekto n. Nakakapâgod ng uri ng taon. May ingay. Matagal na distansya para sa kabaligtaran nito-maging sa mga wild, o sa mga malmawak, na bukas na karagatan o sa ilang mga lugar ng mundo. Si Alain Corbin, isang propesor ng kasaysayan , ay nagsusulat mula sa kaniyang kanlungan sa Sorbonne at si Ehrling Kagge, isang Norwegian manggagalugad, mula sa kaniyang mga alaala antarctica, kung saan parehong sinubukang makatakas. Gayunpaman, gaya ng isinusulat ni maginoong Corbin sa “Isang kasaysayan ng katahimikan”, malamang na hindi mas ingay kaysa dati noon. Bago ang mga amenities na niyumatik, ang mga lansangan ng lunsod ay umugong ng puno ng nakabibingi na kuko ng mga gulong na metal na may rimado. Bago ang boluntaryong paghihiwalay sa mga mobile phone, ang mga bus at tren ay nakabatay sa pag-uusap. Ang mga nagbebenta ng pahayagan ay hindi umalis sa kanilang mga paninda sa isang pile, ngunit inanunsyo ang mga ito sa tuktok, tulad ng mga nagbebenta ng cherries, purple at sariwang alumahan. Ang teatro at ang opera ay isang kaguluhan ng mga huzzah at barracking. Kahit na sa kanayunan, ang mga magsasakang dugo habang sila ay drudged. Hindi sila nagkakanta ngayon. Ano ang nagbago ay hindi gaanong antas ng ingay, na sakop din, ngunit ang antas ng kaguluhan, na sumasakop sa espasyo na maaaring lumahok ang katahimikan. Doon may isa pang kabalintunaan, dahil hindi ito lumalabag sa kalaliman ng isang kagubatan ng pino, sa hubad na disyerto, sa halip na bakanteng silid. Nagbibigay na ito ng panginging Nag-fofocus ang tainga likas sa anumang ingay, kung apoy-itim o tawag ng ibon o mangulubot ng mga dahon, bilang sa pagligyas ito mulang kilalang kahungkagan. Gusto ng mga tao na patahimikin, ngunit hindi na magkano. | Entry #24287 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
4 | 1 x4 | 0 | 0 |
- 2 users entered 39 "dislike" tags
- 2 users agreed with "dislikes" (5 total agrees)
+2 1 May isang tema ng kasalukuyan , hindi bababa sa binuong mundo | Mistranslations Too literal and misleading. "at least" here is not quantifying "developed world" and so "hindi bababa sa" is not correct in this context. | Jose Mario Lizardo | |
walang laman na tanggapan | Mistranslations "Walang laman" is a literal translation of empty. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
magkaroon ang lahat ng nakakaaliw na epekto n | Mistranslations This phrase does not makes sense at all. Also there is no word "n" in Filipino/Tagalog. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
Matagal na distansya para sa kabaligtaran nito | Mistranslations This does not make sense. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
| Spelling This word does not exist in Filipino/Tagalog. Unless it should have been "malawak." | Ewygene Templonuevo | |
sa ilang mga lugar ng mundo | Omission This translation simply says "in some places of the world," omitting the specifications in the original text. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
Norwegian | Spelling Should be "Norwegang," -g being the connective in Filipino. "Norwegian manggagalugad" does not flow well. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
alaala antarctica | Grammar errors There should be a connective "ng" in between these words. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
Isang kasaysayan ng katahimikan | Other Unless there is an official translated work, I think we should retain the original title and only offer in parenthesis or footnote our own translation of the title. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
malamang na hindi mas ingay kaysa dati noon | Mistranslations This phrase compares noise then with itself instead of the noise then and now. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
amenities | Mistranslations "Tyres" are not "amenities" in Filipino. Besides, "amenities" is not a Filipino word. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
kuko ng mga gulong na metal | Mistranslations Tyres do not have toenails (kuko). | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
nakabatay | Mistranslations This word means "based on," which is not what the original text says. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
umalis | Other "Iwan" would be a more appropriate verb to use. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
pile | Mistranslations This is an English word that has a corresponding word in Filipino. Why not translate it? | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
nagkakanta | Other "Kumakanta" is the appropriate form. "Nagkakanta" does not sound natural. | Ewygene Templonuevo No agrees/disagrees | |
| | | | | X Sign in to your ProZ.com account... | | | | | | ProZ.com translation contestsProZ.com translation contests offer a fun way to take a break from your normal routine while testing and honing your skills with fellow translators.
ProZ.com Translation Contests. Patent pending. |